Nagmamadali at inis na lumakad si Placido Penitente papasok sa kalye Remedios. Hindi niya malubos maisip na magagawa niya ang bagay na iyon. Habang tinatahak niya ang kalye Remedios ay pilit niyang inaalis ang gumugulo sa kanyang isipan.
Noong umagang iyon, bago siya umalis ng kanilang bahay ay nakasagutan niya ang kanyang ina. May utang kasi itong si Paco sa kanyang kaklase at ipinangako ng ina na babayaran niya iyon para kay Paco sa araw na iyon. Ngunit, ang ina ni Paco ay hindi iyon natupad. Alam ni Paco ang kalagayan ng kanilang buhay at ang pagsasakripisyo ng kanyang ama at ina pero talagang kailangan niya ang pambayad na iyon. Nabulyawan niya ang kanyang ina habang papalabas ng kanilang gate sabay isinara ito nang malakas. Sa kanyang pagsara ng kanilang gate ay narinig pa niya ang pagod na boses ng ina na sinabing “Mag-ingat ka. Baka malaglag ang baon mong pera.” Kaya laking pagsisisi ang dinaranas ni Paco habang tinatahak niya ang mahabang kalye na tutungo sa paaralang pinapasukan niya.
Binatukan ni Paco ang kanyang sarili. Isa. Dalawa. Tatlo… “Aray!” ang sigaw ni Paco. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang taong gumawa nung pangatlong batok. Iyon ay si Lemuel Benitez. Siya ay isang mestisong lalaki na matangkad at may maayos na pangangatawan. Isa siya sa pinakamalokong estudyante sa kanilang paaralan at miyembro ng grupo na kung tawagin ay “Libak Fishery”- mahilig kasi silang manglibak.
“Kamusta na, Placido Petinente? Anong pumasok sa kokote mo at binabatukan mo ang sarili mo?” ang sinabi ni Lemuel pagkatapos umakbay at may kasamang batok pa ulit. “Okey lang!” ang naiinis na pagsagot ni Paco na tila hindi napansin ni Lemuel. Galit si Paco sa mga grupo. Ayaw niya ang gawaing ito. Para sa kanya, isa itong paraan ng “outcasting”. Kaya naman hindi lang dahilsa ugali ni Lemuel ang kanyang kinaiinisan kundi pati na ang kaugnayan ni Lemuel sa salitang “grupo”.
“Matagal din akong nawala sa klase. Dalawang araw din iyon!” panimula ni Lemuel. “Pero dude masaya! Pumunta kami sa Tagaytay ni Clinton at huwag mo nang alamin kung sino siya dahil wala ka naman maitutulong sa buhay niya. Ah… Doon sa may resthosue nila. Nanood kami doon ng alam mo na… Porno… Non-stop dude! Non-stop!” Napakagat nang mahigpit si Paco ngunit binulong niya sa sarili na “Kabastusan iyon! Kabastusan!” sabay kamot sa kanyang ulo. Patuloy na nakinig si Paco sa mga kwento ni Lemuel ukol sa kanyang mga napanood. Pinagpawisan si Paco nang malagkit habang naririnig ang mga ito.
“O tama na! Masyado ka nang natatakam. Ano nga palang nangyari nung Lunes?” ang panapos ni Lemuel.
“Nagkaroon ng quiz sa Physics. Charles Coulomb ang sagot sanumber one. Hindi nakita bibigyan pa ng sagot. Sa Analytic Geometry naman ay may bagong lesson na hindi naman natin magagamit sa trabaho. Ellipse.” palibak na sinabi ni Paco. “Sa Filipino pala, pinasa na yung nobelang pinagawa sa atin sa loob ng dalawang linggo. Sa Chemistry naman ay wala akong naintindihan…”
“Naku! Yung bwisit na nobela pala! Bakit ba kasi dalawang lingo lang! Kung si Rizal nga ang tagal ginawa yung mga nobela niya tayo pa kaya. Kay tanga! Eh kahapon?”
“Pinagpatuloy lang yung mga lessons.”
Tanaw na ang Mataas na Paaralan ng Siyensya nang nakasabay nila ang mga estudyanteng papasok galing sa iba’t-ibang kalye na nagtatapos sa kalye Remedios. Ang karamihan sa mga lalaki ay maingay at nagtatawanan habang nililibak ang mga taong dumadan. Malilit na bag dala naman ang dala ng karamihan sa mga babae at ang laman ay pulbos, salamin at kung anu-ano pang kaartihan na nilikha ng siyensya imbis na kahit bolpen man lang.
“O nga pala!” biglang naalala ni Lemuel. “Miyerkules ay bayaran ng sinking fund hindi ba? Pahiram muna ng 50. naipon yung akin eh. Bwisit. Ang bata ko pa ang dami kong mga utang. Paano pa kaya yung mga iniwan na tae ng pamahalaan para sa mga kabataan ng kinabukasan. Bwisit!”
“Wala akong pera. At hindi lang ikaw ang may tae, ako rin!” laking bwisit din Paco. Naalala na naman tuloy niya ang nangyari noong umaga. Ngunit, sa unang pagkakataon ay sumang-ayon siya kay Paco. “Bata pa lamang kami pero tadtad na ng mga utang.”
“Sige na!” ang banggit ni Lemuel sabay dukot ng 20 pesos sa bulsa ni Paco. “Babayaran din kita! Baling araw!” pasigaw na sabi ni Lemuel habang patakbo nang papalayo at nagdulot ng sandaling pagtingin ng mga naglalakad. “Bwisit! Taragis!” ang bulong ni Paco sabay pakita ng I.D. sa guard sa may gate. Naalala tuloy niya ang pagod na tinig ng ina: “Mag-ingat ka. Baka malaglag ang baon mong pera.”
Binatukan ulit ni Paco ang sarili bago pumasok ng silid. Iyon daw ay parusa sa kanyang katangahan. Nakita niya si Lemuel na nasa likod ng silid-aralan na mukhang kinukwento na naman ang kanyang mga napanood dahil mahihigpit ang hawak ng mga lalaking nakapalibot sa kanya sa kani-kanilang pantalon. At muli, si Paco ay pinagpawisan ng malagkit nang maalala niya ang mga kinuwento ni Lemuel. Binaba ni Paco ang kangyang bag sabay punas sa pawis. Umupo na rin siya at inilibot ang kanyang mata sa sahig na para bang may hinahanap ng biglang may maingay na pagpasok ang kumuha ng kangyang pansin. Isang payat na matangkad at morenang dilag ang pumasok sa classroom. Napamura si Paco. Pinisil niya ang kanyang kamao. Ang dilag ay ang taong pinakamamahal niya na si Paulita Gomez. Kaya lang hindi nito alam dahil torpe si Paco. Ang kasama naman nito ay ang isa sa lihim na kinaiinisan ni Paco na kung tawagin niya sa sarili ay “gigolo”. Hinsdi niya malubos maisip na pati ba namn ang babaeng gusto niya ay liligawan ng “feeling” na lalaking iyon. Kasi ang lalaking iyon ay marami ng nililigawan ng pa-bulgar at akala mo kung sinong pogi na iiwanan ang nililigawan kapag may napunteryang iba. Para siyang isang aso na hindi makuntento sa isang puwet. Nag-init na nang tuluyan ang ulo no Placido Penitente. Napayuko siya at tila may kinuha sa bag niya.
Sa kabilang dako naman ng kanilang classroom ay naroon si Don Anastacio. Pinalilibutan siya ng mga kamag-aral. Lahat sila ay may mga dalang papel. Kumukopya kasi sila ng assignment. Si Don Anastacio o mas kilala sa pangalang Tasyo ay ang pinakamatalino sa kanilang klase. Kaya lang ang ayaw ni Paco sa ugali nito ay ang pagiging “matalino” nito. Ang nalalaman niya ang laging tama at sugapa pa siya sa grado. Ayaw niya ng nagpapakopya pero kapag siya ang may kailangan, garapal kumopya. Nililitis siya ng mga kakalase niya at palihim silang kumokopya rito. Kaawa-awa!
“Nandyan na si Sir!” ang sigaw ng isang kaklase. Lahat sila ay nagbalikan sa kanilang mga puwesto nang na-satisfy kay Tasyo. Pumasok na ang guro. Guro nila sa Physics. Isang matabang lalaki na unti-unting nakakalbo dahil sa pomada. Tumayo sila upang magbigay pugay. Si Paco din ay tumayo ngunit may hawak na pencil case.
“Good morning!” ang bati ng guro.
Ngunit hindi na ito narinig ni Paco. Dinilat niya ang kanyang mga mata. Nakita niya ang “gigolo” na nakangiti sa tapat ng guro. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang pencil case at ipinunterya sa “gigolo”. Isa. Dalawa. Tatlo. Lumipad ang pencil case. Ngunit biglang umupo ang “gigolo”. Nagulat ang lahat. Sapul sa mukha ng guro ang pencil case. Natuluyan na si Placido Penitente. Dumugo ang kanyang ilong sa kahihiyan. At ang sabi ng guro, “Magbabayad ka!”